When Ondoy hit Manila I was busy with my 'raket', my feet were submerged under half inch water, doing layouts in InDesign. Kailangan ko tapusin lahat before Monday. I was screaming 'iangat lahat ng outlet!' hehehe. Ye pinasok ng tubig ang bahay namin, pero hindi naman grabe.Wasak na kasi bubong namin kaya expected papasok ang tubig hindi winasak ni Ondoy talaga lang wasak, na hindi lang mapaayos, iadd pa na ang lugar namin mas mababa sa kalsada kaya yung tubig na supposedly sa kalsada lang pumasok sa loob ng bahay. Pero it was the craziest. Buti na lang wala ako sa labas ng time nung time na un. Naalala ko tuloy when I was in college, sa Intramuros ako nun, pinauwi ng maaga ang mga estudyante. 5pm nakasakay ako ng bus ung ordinary lang, they still have those minibuses na bumibyahe ng Lawton to Alabang. Wala nang masakyan. Kaya nakisingit ako sa maliit na bus, nakatayo para makauwi lang. Pero pagdating sa Quirino Avenue wala nang galawan ang mga sasakyan, ang tagal, sobra. E inip na ang marami pati ako inip na rin, kahit umuulan bumaba ako kasama ng karamihan naglakad kami. hehehehe. Okay lang maglakad enjoy nga e. Ginabi ang paglalakad namin, hanggang makarating kami sa Buendia, lubog na ang part na un. Hindi na pwedeng daanan ang ilalim kaya umakyat kami sa flyover, in short nalampasan namin yung baha. Daming taong stranded. Karamihan sa mga naglalakad mga estudyante na tulad ko, kaya ok lang. Marami naman kami, hindi dyahe, hindi ako nakaramdam ng pagod siguro kasi malamig, umuulan, saka basang basa ako pati underwear ko basa. Pinipiga ko nga ung laylayan ng jacket kasi mabigat na, sinipsip ng jacket ko ung tubig ulan. hahaha. Nakarating kami sa Magallanes interchange, sa baba kami dumaan, nakarating kami sa Nichols, dun sa part na yun may experience ako na hindi ko makakalimutan na hanggang ngayon nakakapagpangiti sa akin. hehehe. Kasalukyang gnagawa ang Skyway nun time na yun. Malabo kasi mata ko, kahit umuulan suot ko ang salamin ko, sa haba ng nilakad ko, yung init ng katawan ko ang naging dahilan para mag fog ang salamin ko. Nakakilala ako ng mga kasabay kong mga estudyante kamustahan, asaran, kwentuhan nililibang na lang ang sarili para hindi gaanong nakakapagod. Medyo nahuhuli ako sa paglakad kasi inaaninag ko ung dinadaanan ko. E siguro dahil worn out na ako sobrang haba ng nilakad ko hindi ko napansin na nagsisipag iwasan un nasa harap ko sa dinadaanan nila, hindi ako nakaiwas nalaglag ako sa hukay na punong puno ng mala tsokolateng tubig, Buti na lang hindi ganun kalalim ang tubig. Meron isang estudyante sa likod ko ang tumulong na hilahin ako paakyat. Hiyang hiya ako nun. Buti isa lang nakakita sa akin, pero pag lingon ko nalimutan ko syet ang dami nga palang sasakyan sa SLEX siguro humahagalpak sa tawa yung mga nakakita sa akin. Pinagpray ko na sana lahat ng nasa sasakyan nung time na un ay tulog! Wahahahaha! Hindi rin naman ako nakita ng mga alaskador na estudyante kasi nauuna sila. Pagdating sa bandang Merville naghiwahiwalay kami nakakita ung ilan ng 711 naisipan na magstop dun pero sa tingin ko wala na silang mabibili kasi parang niransak ang lugar wala ng mga pagkain, nagpatuloy ako sa paglakad, layo ng nilakad ko nakarating ako sa Sucat, dun talagang di ko na kaya. Pumasok ako sa isang bus wala na gaanong laman, pumwesto ako dun sa pinakalikod sa mahabang upuan dun ako nakatulog sa sobrang pagod. Nagising ako umandar yung bus mga 8am na un, hehehe nakauwi ako ng bahay puro paltos ang paa. Kanya kanyang kwento. Buset! ako pinagtawanan sa pagkalaglag ko sa hukay. HAHAHAHA.
No comments:
Post a Comment